Suspek bawal iharap sa media
Ang Pilipino STAR Ngayon
Bilang pagkilala sa sinasabi ng Konstitusyon na "presumption of innocence" ng mga akusado hangga’t hindi napapatunayang nagkasala, inaprubahan ng House committee on human rights ang panukalang batas na nagbabawal i-display ang mga ito sa publiko lalo na sa pamamagitan ng media.
Nakapaloob ang panukala sa House Bills 833,3582, 3160 at 3581 na naglalayong proteksiyunan ang karapatan ng mga akusado lalo pa’t sumasailalim pa lamang sa imbestigasyon ang kanilang kaso.
Ayon kay Akbayan Rep. Loretta Ann Rosales, chair ng komite, masyadong nakakababa ng dignidad ang ginagawang pagdi-display ng mga akusado gayong hindi pa naman siguradong mayroon nga silang kasalanan.
"Kalimitan, akusado pa lang pero parang siguradong-sigurado na ang pulisya na sila nga ay nagkasala," ani Rosales.
Sinabi pa ni Rosales na nawawala na ang integridad ng isang tao na itinuturing pa lang na suspek sa sandaling iprisinta sa media kahit hindi pa sila nahahatulan ng korte.
"The eagerness of law enforcers plus the media hype damage the integrity of the persons accused even before they are proven guilty of their offenses," pahayag ni Rosales.
Dapat din aniyang maging responsable ang media lalo na sa telebisyon dahil kalimitang nalalabag ang karapatan ng mga akusado.
Hindi aniya maiiwasang makisimpatiya ang mga viewers sa mga biktima kahit wala pa sa korte ang kaso.